Ika-sampung kaso ng COVID-19 case sa Kamara, kinumpirma

40

Naitala ang ika-sampung kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, ang ika-sampung COVID-19 patient mula sa Kamara ay isang congressional staff.


Huling bumisita ang nasabing staff sa Batasan Complex noong May 21, 2020.

Humingi naman si Montales ng panalangin sa publiko para sa tatlong pinakahuling positive cases ng Coronavirus Disease na mga taga-Kamara.

Nitong June 27 at July 1, 2020 ay kinumpirma rin ang ika-walo at ika-siyam na COVID-19 cases sa Batasan Complex.

Facebook Comments