Ika-sampung sunod na panalo – naipwesto ng Boston, Celtics

NBA – Tuloy ang arangkada ng Boston Celtics matapos nilang masungkit ang ika-sampung sunod na panalo sa ‎2017-2018 NBA season.

Pinataob nila ang Los Angeles, Lakers sa iskor na 107-96.

Nag-step up si Aron Baynes para sa pagkawala ni Al Horford na nagtala ng 21 points habang nakapag-ambag naman ng 18 points si Kyrie Irving.


Si 2016 2nd overall pick Brandon Ingram ay umiskor naman ng 18 points para sa Lakers.

Facebook Comments