Ikaapat na Bayanihan, Bakunahan, all set na

Handa na ang pamahalaan sa 4th round ng National Vaccination Day.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) at Health Usec. Myrna Cabotaje, tututok sila sa pangangailangan ng isang lugar sa ikaapat na Bayanihan, Bakunahan, na gaganapin sa March 10 hanggang March 12, 2022.

Ayon kay Cabotaje, target nilang makapagturok ng 1.8 milyong doses ng bakuna sa 4th round ng malawakang bakunahan.


Partikular na tututukan nila ang pagbibigay ng 2nd dose, booster shot at ang pediatric vaccination.

Samantala, hindi pa gagawing mandatory o sapilitan ang pagtuturok ng booster shot para makapasok sa isang establisyimento kahit marami na ang panawagan para dito.

Ani Cabotaje, patuloy ang pagtutok ng pamahalaan sa pagpapakalat ng impormasyon at paghihikayat sa publiko na magpabakuna.

Facebook Comments