Ika-apat na linggo ng Marso 2020, idineklarang National Week of Prayer

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-apat na linggo ng Marso 2020 bilang National Week of Prayer. Sa nilagdaang Proclamation 934 ng Pangulo.

Hinihikayat ang sambayanang Pilipino, anuman ang relihiyon, na sama-samang manalangin habang hinaharap ang proble sa COVID-19.

Hinimok din ng Pangulo ang lahat na ipagdasal ang mabilis na paggaling ng mga tinamaan ng sakit at paghilom sa sugat ng mga naulila. Gayundin aniya ang mga frontline workers na tumutugon sa banta ng virus.


Umaasa naman ang Pangulo na sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal at awa ng Panginoon ay magagawang labanan ng bansa ang COVID-19 na aniya ay isang ‘invisible enemy’.

Facebook Comments