LINGAYEN, PANGASINAN – Malaki ang posibilidad nang pagbibigay ng ikaapat na turok ng covid-19 vaccine sa mga indibidwal na nakatanggap ng kanilang booster dose ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna Maria Teresa De Guzman.
Sinabi nito na may mga indibidwal na nakikitaan nang pagbaba ng antibodies na siyang lumalaban sa sakit kung kaya’t mahalaga na ito ay muling pataasin sa pamamagitan ng booster shot.
Aniya, isa pa sa mga rason kung bakit kailangan magpatuloy ang pagtanggap ng COVID-19 vaccine ay dahil na rin sa patuloy na pagmumutate ng virus.
Sa tala ng PHO, nasa higit 100,000 na Pangasinense ang nabigyan ng booster dose sa nagpapatuloy na vaccination program. | ifmnews
Facebook Comments