IKAKALAT | 4,000 pulis, idedeploy bukas paghahanda sa kaliwa’t kanang kilos protesta

Manila, Philippines – Magdedeploy ang Philippine National Police ng apat na libong mga pulis sa mga lugar na pagdarausan ng kilos protesta bukas kung saan ipinagdiriwang ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Benigno Durana ang apat na libong pulis na idedeploy ay mula sa Civil Disturbance Management Unit.

Ang mga pulis na ito ang titiyak para maging maayos ang mga gagawing kilos protesta.


Partikular aniya nilang idedeploy ang mga pulis na ito sa Mendiola, Luneta Park at iba pang lugar kung saan magiipon ipon ang mga protesters.

Sampung libong protesters ang inaasahan ng PNP kaya naman maliban sa apat na libong pulis na idedeploy mayroon pa silang isang libong reserve force.

Umaasa si Durana na makikipagtulungan ang mga protesters para maging matiwasay ang mga kilos protesta.

Facebook Comments