IKAKASA NA | Impoundment ng mga Hayop sa Dagupan City ipapatupad!

Pinaghahandaan na ng Lungsod ng Dagupan City Kasama ang Veterinary Office ang Planong pag papatayo ng Facilities para sa mga Hayop na pagala gala sa lansangan na wala nang nag aalaga o ang tinatawag na Impoundment.

Pinaplano ng Veterinary office na sa taong ito maaring isakatuparan ang plano kung makakahanap sila ng pwedeng pagtayuan ng Impounding Area. Ayon kay Doctor Daniel Paulo Garcia ng Veterinary tutukan nila ang mga hayop na pagala gala sa pampublikong lugar sa Dagupan City upang mabigyan ng sapat na pag-aalaga ang mga ito at makaiwas ang mga mamamayan ng dagupan sa kagat o rabies. Ayon sa Republic Act. No. 9482 o Anti Rabies Act of 2007 dapat ang bawat siyudad o munisipyo ay mayroong Impounding area.

Dagdag ni Doctor Daniel Paolo Garcia na pagmumultahin ang mga mahuhuling lalabag sanasabing batas. 100 pesos para sa alagang baka, kalabaw at kabayo, 50 pesos para sa aso at 30 pesos para sa ibang hayop.


Ulat nina Angelica Tan and Prince Alexander Jethro D. Caragay

Photo-credited to Google Images

Facebook Comments