Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sakaling matuloy ang planong rally ng Iglesia ni Cristo (INC).
Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, walang pagbabagong gagawin sa latag ng seguridad at deployment ng mga pulis para sa naturang pagkilos.
Nakahanda rin aniya ang PNP na magbigay ng security assistance sa mga lugar na inaasahang pagdadausan ng aktibidad.
Ang rally ay isasagawa bilang pagsuporta sa posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Kasunod nito, tiniyak ng Pambansang Pulisya na ipatutupad ng maximum tolerance.
Facebook Comments