Ikalawang ‘Agri-Aqua Industrial Business Corridor’, planong itayo ng DA sa Metro Manila

Nakikita ngayon ng Department of Agriculture (DA) na ang Taguig City ang tamang lugar na gawing “Agri-Aqua Industrial Business Corridor” ng bansa.

Target nito na mapahusay ng sabay ang pagiging produktibo ng mga magsasaka at mapalakas ang pambansang ekonomiya.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang mga kasalukuyang pasilidad ngayon ng Laguna Lake ay malaking potensiyal para sa Taguig City.


Paliwanag ni Dar na magiging gateway rin aniya ang lungsod sa Metro Manila sa maraming paraan kasama ang buong Laguna Lake bilang pangunahing ecosystem na kailangang maayos upang suportahan ang aquaculture at mabuo sa isang sustainable mode.

Dagdag pa ng kalihim na ang malalaking plano para sa Taguig City ay tinukoy nang lagdaan ang Memorandum of Agreement for the Urban Agriculture Project (UAP) at sa pulong ng Multi-Agency Agricultural Government Assistance Program (MAAGAP) noong July 20, 2020.

Ang Taguig City ay pangalawa sa New Clark City, kung saan itinatag ang kauna-unahang Agri-Aqua Industrial Business Corridor.

Facebook Comments