TAGUIG CITY – Ginunita ng Philippine National Police ang ikalawang anibersaryo ng madugong engkwentro sa mamasapano, Maguindanao kung saan namatay ang 44 na miyembro ng PNP special action force.Sa isinagawang “commemorative ride for the heroes” kahapon sa SAF-headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, kabilang sa mahigit isang libong nagbisekleta ang ilang pamilya ng mga napaslang na SAF 44.Matatandaan noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na makikipagpulong siya sa mga biyuda ng SAF 44 kasabay ng anibersaryo nito.Bukod dito, ipapatawag din ng pangulo ang ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at tactical operations group para tanungin kung bakit hindi ginamit ang air assets ng militar sa kasagsagan ng engkwentroGiit naman ng pangulo, wala siyang balak buhayin ang isyu ng Mamasapano massacre pero gusto lamang niyang malaman ang tunay na nangyari noon para mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan.
Ikalawang Anibersaryo Ng Mamasapano Massacre, Ginunita Ng Pnp
Facebook Comments