Ikalawang anibersaryo ng Philippine Rise, ipinagdiwang kahapon

Photo Courtesy: Devs Dela Cruz//Facebook

Isang seremonya ang isinagawa  kahapon bilang pagdiriwang  sa ikalawang anibersaryo ng Philippine Rise sa BRP Davao del Sur (LD602) sa Casiguran Bay, Aurora.

Ayon kay Northern Luzon Command Spokesperson Major Eric Bulusan,  pinangunahan  ng mga opisyal ng Area Task Force – North (ATF-North) ng Northern Luzon Command, kasama ang mga opisyal ng National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS) at local government officials ng Aurora Province ang seremonya.

Sa pagdiriwang ginawa ang flag-raising ceremony sa BRP Davao del Sur na sinundan ng send-off ceremony para sa mga tropa ng Philippine Navy, Coast Guard at BFAR na nagsagawa ng Maritime Patrol (MARPAT) sa karagatan ng Philippine Rise.


Matatandaan May 16, 2017 nang pormal pangalanang “Philippine Rise” ang bahagi ng karagatan sa Pacific Ocean na dating kilala bilang “Benham Rise”.

Ito ay batay sa pagkilala ng United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS ng karapatan ng Pilipinas sa naturang karagatan noong April 2012.

Siniguro ni NOLCOM Commander Lt. Gen. Emmanuel Salamat, na siya ring Commander ng Area Task Force North, isang Inter-agency Coordinating body sa ilalim ng National Task Force – West Philippine Sea (NTF-WPS) na mahigpit na pangangalagaan at itataguyod ng militar ang “sovereign rights” ng Pilipinas sa “Philippine Rise” at  pangangalagaan ang yamang dagat sa Philippine Rise.

Facebook Comments