Ikalawang araw ng Oplan Tabang COVID-19 Response ng RMN Networks, RMN Foundations at DZXL Radyo Trabaho, umarangkada na!

Magpapatuloy ang 2nd day ng Oplan Tabang COVID-19 Response ng RMN Networks, RMN Foundations at DZXL 558 Radyo Trabaho.

Kaugnay pa rin ito ng selebrasyon ng 68th Anniversary ng RMN Networks Inc. at 8th Anniversary ng RMN Foundations Inc. katuwang ang Pfizer Philippines Foundation at ACS Manufacturing Corporation, makers of Shield bathsoap at Unique toothpaste.

Ngayong araw, anim na lugar ang bibisitahin ng dalawang team ng DZXL Radyo Trabaho kabilang ang Lungsod ng Quezon, Pasig, Taguig, Manila, Marikina at San Juan.


Kahapon, walong siyudad ang unang pinuntahan ng grupo kung saan tatlumput’ dalawang (32) ordinaryong manggagawa ang nabigyan ng special package.

Kabilang sa mga obrerong ito ay vendor, pump attendant, sales lady, security guard, welder, janitor, street sweeper, bus conductor, electrician, driver, service crew, traffic enforcer, taga-deliver ng tubig at softdrinks.

Laking pasasalamat naman nila dahil sa tyansa na baka mabunot ang kanilang pangalan sa ating Bisekle-Trabaho promo at makapag-uwi ng mountain bike na bahagi ng Radyo Trabaho 2nd Year Anniversary.

Laman din ng ating special package ang Shield bathsoap, Unique toothpaste, alcohol, face shield, limited RT face mask at merch item na pwede naman nilang magamit sa pang araw-araw.

Facebook Comments