
Nagpapatuloy ngayong araw ang ikaapat na oral arguments kaugnay sa kontrobersiyal na paglilipat ng bilyun-bilyong pisong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa pagsasalita ni Finance Secretary Ralph Recto, muli itong nanindigan na legal at naaayon sa Saligang Batas ang kanilang ginawang paglilipat ng ₱60 billion na pondo mula sa orihinal na planong ₱89.9 billion.
Ginawa aniya ito dahil natutulog lamang ang pondo at upang mas mapakinabangan ng mga Pilipino.
Sinabi pa ni Recto na marami pang pondo ang PhilHealth na magagamit kahit wala munang subsidiya mula sa pamahalaan at hindi rin ito mababangkarote.
Bahagya ring nasisi ang ahensiya dahil sa hindi nila paggamit ng pondo.
Ang paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth ay alinsunod sa direktiba ng Department of Finance (DOF) sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.