Manila, Philippines – Hindi na itutuloy ng Stop and Go Coalition ang tigil-pasada bukas.
Sa halip, ayon kay Jun Magno, presidente ng grupo, isang mas malawakang kilos protesta ang kanilang ikinakasa na gagawin sa buong bansa.
Pag-uusapan aniya nila sa Sabado kung kailan nila ito ikakasa.
Nauna rito, iginiit ni Jun Magno na hindi tulong kundi negosyo ang pautang sa ilalim ng jeepney modernization program.
Hindi rin aniya libre ang pagpapalit nila ng mga lumang jeep dahil bukod sa babayaran, may interes pa ang 1.4 million pesos na loan program.
Kinuwestiyonable din daw ang tibay ng mga E-jeepney at hindi dapat daw isisi sa mga lumang jeep ang problema sa trapiko.
Facebook Comments