Ramon, Isabela- Tinututukan ngayon ng PNP Ramon ang ikalawang batch ng Community Based Rehabilitation Program (CBRP) sa kanilang bayan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Inspector Leonel Assistores ang Deputy Chief of Police ng PNP Ramon sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo.
Ayon kay PI Assistores ay mayroon umanong dalawang daang tokhang responders ang sumailalim na sa CBRP habang ngayon ay tuluy-tuloy umano ang ginagawa nilang pag tutok sa sa ikalawang batch kung saan ay nasa mahigit kumulang limampung tokhang responders ang kabilang dito.
Aniya, ang mga tokhang responders umano ay sumasailalim din sa mga training sa tulong TESDA kung saan ay mapapakinabangan ito ng mga tokhang responders sa kanilang buhay upang lubos na makapagbago.
Samantala, inihayag naman ni PI Assistores na walang silang mga tinututukang High Value target sa kanilang bayan at masaya pa nitong sinabi na malapit na din umanong maging drug free ang kanilang nasasakupan.