Dumating na ang second batch ng mga nutritional food items mula sa Department of Social Welfare and Development Office Field Office 1 (DSWD-FO1) na ibibigay sa Child Development Centers ng lungsod ng Dagupan para sa Supplementary Feeding Program ng mga 2,200 day care pupils sa Dagupan.
Nauna nang ibinahagi ang primary batch ng mga food items sa 2,200 day care pupils na naka-enroll sa mga Child Development Centers nitong Setyembre para sa 60-day implementation ng program na may dalawang beses na feeding kada araw.
Ayon kay DSWD Project Development Officer Charmaine Manaoat, layunin ng SFP na mapabuti ang timbang ng mga day care pupils upang maiwasan ang stunting o undernutrition.
Ito rin ay complement sa mga feeding at nutrition programs na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Patuloy naman ang monitoring and evaluation ng timbang ng mga pupils sa bawat barangay kaugnay ng programa. | ifmnews
Facebook Comments