Ikalawang batch ng mga Pilipina na biktima ng human trafficking, dadating sa bansa ngayong araw mula sa Syria

Pitong Pilipina na unang kinanlong sa Philippine Embassy shelter sa Damascus ang dadating sa bansa ngayong hapon.

Sila ay pawang mga biktima ng human trafficking at dinala sa Syria via Dubai para magtrabaho.

Ang pitong Pinay ay tumakas sa kanilang employers matapos na makaranas ng pagmamaltrato.


Una nang umuwi sa bansa noong February 4 ang unang batch ng mga Pinay na mga biktima rin ng human trafficking mula sa Syria.

Sa ngayon, 25 na mga biktima na lamang ang nasa pangangalaga ng Philippine Embassy sa Damascus at naghihintay na rin ng schedule ng kanilang pag-uwi sa Pilipinas.

Facebook Comments