Dumating na sa bansa kahapon ang ikalawang batch ng mga labi ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na namatay sa Saudi Arabia.
Sinalubong ang ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagdating ng mga eroplano para bigyang pugay ang mga nasawing OFW sa maikling seremonya.
Ayon sa Labor Secretary Silvestre Bello III, 88 labi ang sakay ng chartered flights na lumapag sa NAIA Terminal 3.
Mula sa 88 bangkay, 57 ang namatay sa COVID-19 habang 31 sa natural causes.
Sinabi ni Bello, walang humpay magtrabaho ang mga OFW para makatulong sa iba.
Para sa pagsusulong ng pagbabago, sinabi ni Bello na mas pinili ng mga Pilipino na magtrabaho abroad para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya.
Ang 28 namatay na Pilipino ay galing sa siyudad ng Dhahran, 11 sa Jeddah at 39 sa Riyadh.
Makatatanggap ang pamilya ng mga namatay na OFW ng tulong, tulad ng cremation o burial services, bukod pa sa death, livelihood at scholarship benefits.