Ikalawang batch ng Pilipinong inilikas mula Sudan, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa bansa kagabi ang ikalawang batch ng mga Pilipino na inilikas mula sa Sudan.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Melanie Quiño, dumating sa NAIA Terminal 1 kagabi ang eroplano na sinakyan ng mga lumikas na Overseas Filipino Workers (OFW).

Ang ikalawang batch ng repatriation ay binubuo ng 10 Pilipino na inilikas sa Sudan papuntang Jeddah.


Matatandaan kasi na alas-tres kahapon nang dumating sa NAIA Terminal 3 ang unang batch ng mga Pilipino na lumikas sa Sudan.

Kasama ng ibang opisyal sinalubong sila ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).

Samantala, ang DFA ang nagpondo sa pag-uwi ng mga lumikas habang ang DMW ang namahagi ng P20k na tulong pinansyal at ang OWWA ang maghahatid sa kanila pauwi sa lalawigan.

Facebook Comments