Inihahanda na ng Department of the Interior and Local Government ang ikalawa at ikatlong batch ng mga padadalhan ng show cause order.
Sa interview ng RMN Manila kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na kanilang pagpapaliwanagin ay pawang mga sangkot sa anomalya sa pagbibigay ng Social Amelioration Program at mga lumabag sa Bayanihan Law.
Ayon kay Diño, kanila nang inihahanda ang mga dokumento para maisampa na ang mga reklamo laban sa mga ito.
Matatandaang nasa 200 barangay officials ang pinadalhan ng DILG ng show cause order kung saan nasa 20 na ang kanilang sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Facebook Comments