Ikalawang batch ng source codes para sa AES, naideposito na sa BSP

Manila, Philippines – Naideposito na ng Commission on Elections (Comelec) ang ikalawang batch ng source codes para sa Automated Election System (AES) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang source codes ay ang operating system image rebuild para sa Consolidation and Canvassing System (CCS), transmission router at ang Domain Name Server (DNS) janitor.

Ayon kay Comelec Executive Director Jose Tolentino Jr. – ang source codes ay na-review at nasertipikahan ng international certification entity at na-review din ng ating local source code reviewers.


Aniya, walang nakitang malisyosong code na naka-embed sa source codes.

Nitong Pebrero, idineposito rin ng poll body sa BSP ang source codes para sa Election Management (EMS), CCS, at ng Vote Counting Machines (VCM).

Sa ilalim ng poll automation law, ang source code ng AES ay dapat nasa pangangalaga at kustodiya ng BSP.

Facebook Comments