Ikalawang booster shot ng COVID-19 vaccine, pinabubuksan sa publiko

Hiniling ng ilang mga kongresista sa Kamara na buksan na sa lahat ang ikalawang booster dose ng COVID-19 vaccine.

Ang panawagan ay dahil na rin sa kumpirmasyon ng Department of Health o DOH na naitala na ang kaso ng Omicron Sub-variant BA 2.12 sa Baguio.

Giit ng ilang mambabatas, basta’t hindi bababa sa tatlong buwan ang pagitan ng 1st at 2nd booster shots ay dapat na pahintulutan ang eligible population na nais makatanggap nito.


Umaasa ang Kamara na sa pagkakadiskubre ng bagong subvariant ay mas mahihikayat ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19.

Bukod dito, mabuti na lamang din na isa ang Baguio sa may magandang contact tracing system upang agad na matukoy ang mga close contact ng naturang carrier at mapigilan ang pagkalat nito.

Facebook Comments