Ikalawang booster shot para sa A1 at A2 category, inirekomenda ng HTAC

Inirerekomenda ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang ikalawang booster shot para sa mga healthcare worker at mga senior citizen ngunit may isa pang kinakailangan bago ito simulan.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje, ilalabas na dapat nila ang guidelines para sa second booster ng A1 at A2 category ngunit hindi pa natatanggap ng HTAC ang written requirements ng World Health Organization (WHO).

Inaasikaso na aniya ito ng NVOC at kapag naglabas na ang WHO ng written requirements ay pwede na ring ipalabas ang guidelines para sa naturang bakunahan.


Dagdag pa ni Cabotaje na umabot na sa 30,912 na immunocompromised ang naturukan ng ikalawang booster dose.

Samantala, inihihirit din ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion HTAC na gamitin din sa Pilipinas ang guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention sa pagbabakuna ng ikalawang booster shot kontra COVID-19.

Facebook Comments