Ikalawang bugso ng dagdag buwis sa produktong petrolyo, hindi dapat ipangamba – DOF

Manila, Philippines – Pinawi ng Department of Finance (DOF) ang pangamba ng publiko sa magiging epekto ng ikalawang bugso ng excise tax sa presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, maliit na porsyento lang ang magiging epekto sa inflation ng ikalawang bugso ng excise tax sa produktong petrolyo.

Batay sa pagtaya ng DOF, posibleng umabot lang sa point 2 hanggang point 3 percent ang epekto ng excise tax sa inflation rate.


Pagtitiyak naman ni Lambino, mababawi naman ang epekto ng excise tax sakaling lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rice tariffication bill.

Sa ilalim ng rice tariffication bill, inaasahang bababa pa ng point 6 ang hanggang point 7 percent ang inflation.

Facebook Comments