Ikalawang bugso ng dagdag excise tax sa langis, ipinatupad na

Manila, Philippines – Nasa 300 mga gasolinahan sa bansa ang nagpatupad na ng dagdag na excise tax sa petrolyo.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, nagpadala na sila ng show cause order para pagpaliwanagin ang mga gasolinahang nagpatupad na ng dagdag na P2 buwis sa kada litro ng gasolina at diesel at P1 sa kada kilo ng LPG.

Ito aniya ay para masigurong bagong stocks ang ibinebenta nila at may kaukulang abiso sa publiko.


Nabatid na sa nasabing bilang 268 rito ay sa Petron at 32 ay sa Flying V.

Nauna nang sinabi ng DOE, nasa 15 araw pa itatagal ang lumang stock na langis ng mga oil company at sa bagong stock lang dapat ipataw ang taas-presyo dahil sa buwis.

Tiniyak naman ng DOE na mag-iikot ang kanilang mga tauhan para matiyak na may abiso sa motorista kung aling produkto ang nagbago ang presyo dahil sa mas mataas na buwis.

Facebook Comments