MANILA – Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na tataas ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno, ngayong taon.Ayon sa DBM – ang pay hike ay kumakatawan sa ikalawang tranche ng kahalintulad na increase sa mga government employees noong nakaraang taon.Batay sa national budget circular no. 568 na inilabas noong January 5 – pinapayagan ang mga ahensya ng gobyerno na i-adjust ang kompensasyon ng kanilang mga kawani simula January 1.Ang nabanggit na pagtaas ay alinsunod sa itinatakda ng executive order 201 na inisyu noong nakalipas na taon na pinirmahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.Nakapaloob din sa kautusan ang increase sa allowance ng mga sundalo at uniformed personnel.Ang EO 201 ay nagbibigay ng mandato para sa compensation adjustment na ipapatupad sa apat na tranche o bugso na nagsimula noong 2016 at magtatapos sa 2019.
Ikalawang Bugso Ng Dagdag Sahod Sa Mga Kawani Ng Gobyerno, Matatanggap Na
Facebook Comments