Nais ng pamahalaan na limitahan ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng emergency subsidy sa mga mahihirap na benepisyaryo na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, limitado na lamang ang pondong ibinigay ng kongreso kaya mahalagang maipaabot ang ayuda sa mga nangangailangan.
Sinabi ni Roque na wala nang ibibigay na ayuda sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).
Pero sinabi niya na nasa limang milyong low-income families ang idadagdag sa 18 milyong pamilya na kasama sa listahan ng benepisyaryo ng unang tranche ng subsidy program.
Sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), magbibigay ang pamahalaan ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 na ayuda sa mahihirap na pamilya para maibsan ang epekto ng Coronavirus pandemic.