Ikalawang dry -run ng “Carless Sunday”, ipatutupad bukas sa Maynila

Ipatutupad bukas sa Maynila ang Carless Sunday.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila, sa pamamagitan ng dry run ay makapagsasagawa sila ng mga adjustment para higit na maging epektibo sa publiko ang Carless Sunday.

Partikular na isasara ang Roxas Boulevard mula kanto ng Pedro Burgos Avenue hanggang President Quirino Avenue.


Dalawang lane ang maaaring ukupahan ng mga bikers o nagbibisikleta at dalawang lanes para sa runners habang may mga itatalaga ring water station.

Magde-deploy rin ang Manila Police District (MPD) ng mga tauhan na magmamando sa mga sasakyan sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments