
Nagtungo ngayon sa Kamara ang iba’t ibang progresibong grupo para maghain ng ikalawang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM).
Inendorso ito ng Makabayan Bloc na kinabibilangan nina Representatives Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list, Sara Elago ng Gabriela Women’s Party-list, at Renee Co ng Kabataan Party-list.
Pero hindi ito tinanggap ng tanggapan ng House secretary general dahil wala sa bansa Sec. Gen. Chelsea Garafil.
Batayan ng impeachment complaint ay Betrayal for Public Trust na nag-ugat sa sistematiko at malawakang korapsyon sa pondo ng bayan.
Pangunahin dito ang katiwalian sa mga flood control projects at sa national budget mula 2022 hanngang 2025.
Facebook Comments










