Monday, January 26, 2026

Ikalawang impeachment complaint laban kay PBBM, muling ihahain ngayong araw

Babalik sa tanggapan ni House Secretary General Cheloy Garafil ngayong araw ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc kasama ang mga naghain ng ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio ng Makabayan Bloc, nais nilang tiyakin na tatanggapin na ngayon ng House Secretary General ang inendorso nilang impeachment complaint laban kay PBBM.

Magugunitang noong nakaraang Huwebes ay hindi ito tinanggap ng opisina ni House Secretary Garafil dahil sya ay wala at nasa Taiwan kung saan sya ginawaran ng pagkilala.

Ayon kay Tinio, sila ay umaasa na wala ng magiging rason o palusot ngayon ang House Secretary General para hindi tanggapin ang kanilang reklamong impeachment laban sa Pangulo.

Una rito ay iginiit ni Tinio kasama sina Representatives Renee Co at Sara Jane Elago na maikokonsiderang naihain na ang kanilang impeachment complaint laban kay President Marcos na iniwan nila sa tanggapan ni Garafil.

Kanilang diin na wala naman sa House Rules na kailangan itong personal na tanggapin ng mismong House Secretary General.

Facebook Comments