Manila, Philippines – Pormal nang inihain sa Kamara ni Atty. Larry Gadon ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Pirmado ng 25 kongresista ang isinumiteng reklamo ni Gadon.
Kabilang sa nag-endorso sina deputy Speakers Gwen Garcia, Ferdinand Hernandez, Public and Order Safety Committee Chairman Romeo Acop, Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers at Metro Manila Development Committee Chairman Winnie Castelo.
Sa ambush interview kagabi, sinabi ni Gadon na tiwala siyang malakas ang mga ebidensya niya para mapatalsik sa puwesto si Sereno.
Kabilang sa naging batayan ni Gadon sa pagsasampa ng impeachment complaint ang culpable violation of the constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.