
Pormal ng binawi ng mga complaintants sa pangunguna ng Tindig Pilipinas ang ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Nagtungo ang grupo ngayong umaga sa tanggapan ni House Secretary General Cheloy Garafil, kasama ang mga endorser ng reklamo na sina Partylist Representatives Percival Cendaña ng Akbayan at Leila de Lima ng Mamamayang Liberal.
Ayon kay Kiko Dee, Co-Convenor ng Tindig Pilipinas, susuportahan nila ang ikatlong reklamo para mapabilis ang proseso ng impeachment at agad maipadala ang reklamo sa Senate Impeachment Court.
Tiwala si Rep. De Lima, na mapapabilis nito na ma-consolidate ang efforts lalo na pagdating sa pagpiprisenta ng mga ebidensya.
Diin naman ni Rep. Cedaña, hindi ito pag-atras kundi pagsulong para matiyak na isang matibay na impeachment case ang iaakyat agad sa Senado.










