Matagumpay ng naihan at tinanggap ngayon ni House Secretary General Cheloy Garafil ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na inihain ng iba’t ibang progresibong grupo at inendorso ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc.
Pero dismayado ang Makabayan Bloc dahil hindi nagbigay ng katiyakan si Garafil na agad nya itong iaakyat ngayong araw sa tanggapan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Giit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, base sa rules ng Kamara ay “immediate” o agad dapat maisumite sa tanggapan ng House Speaker ang impeachment complaint.
Nangangamba ang mga complainant at Makabayan Bloc na baka maisama na sa order of business at mai-refer sa Committee on Justice sa session mamayang hapon ang unang impeachment complaint na inihain ni Atty. Andre de Jesus at inendroso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jernie Jett Nisay.
Kapag nangyari ito ay iiral na ang one-year bar rule at mawawalang saysay ang inihain nilang impeachment complaint laban kay PBBM.










