Ikalawang molecular laboratory COVID-19 testing center ng PNP, magagamit na

Gagamitin na rin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ikalawang molecular laboratory COVID-19 testing center na nasa PNP General Hospital sa Camp Crame sa Quezon City.

Ayon kay PNP Chief General Camilo Cascolan, kahapon ay kinuha ng kanilang Pathologist na si Dr. Jun Evangelista sa Department of Health Central Office ang license to operate para sa ikalawang molecular laboratory.

Sinabi ni Cascolan na makakatulong ang pangalawa nilang molecular laboratory para makontrol at maagapan ang pagdami ng mga PNP personnel na dinadapuan ng COVID-19.


Ngayong araw ayon kay Cascolan ang pagsisimula ng operation ng laboratory na pamamahalaan ni Admin Support to COVID Operation Task Force (ASCOTF) Commander Lt. General Cesar Hawthorne Binag.

Ang molecular laboratory ay kayang magtest ng 90 specimen sa isang araw at maaaring umabot nang hanggang 150 sa mga susunod na araw.

Noong buwan ng Mayo, una nang nagkaroon ng molecular laboratory sa Camp Crame na nakatulong ng malaki para matukoy ang mga PNP personnel na nahawaan ng COVID-19 at agad na nagamot.

Facebook Comments