Ikalawang nationwide earthquake drill, isasagawa bukas

Manila, Philippines – Aarangkada na bukas ang pangalawang nationwide earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Paghahanda ito sa inaasahang The Big One sa bansa.

Kabilang sa mga makikilahok sa nasabing drill ang ilang mga lugar at paaralan sa Region 1, 5, 6, 7, 10, 11, sa ARMM at sa CALABARZON.


Tinatayang nasa 400 ang lalahok sa drill sa Caoayan, Ilocos Sur; 3,000 sa Municipalidad ng Malinao at Masbate City; 6,000 sa Roxas City sa Capiz; 4000 sa Don Carlos Gothong Memorial High School sa San Nicolas Cebu.

habang 3,000 sa Talamban National High School; 4,000 sa Initao National High School at Initao Central Elementary School, Misamis Oriental; 5,000 sa UM Bolton Street, sa Davao city, at 1,000 sa Tairan Elementary at National High School, sa Barangay Tairan, Lantawan Basilan.

Facebook Comments