Ikalawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong taon, kasado na

Muling inanyayahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang mga Pilipino na makiisa sa gaganaping Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED sa June 9, alas-9:00 ng umaga.

Gaganapin ang programa sa online at live na mapapanood sa NDRRMC at Civil Defense PH Facebook pages.

Nakatakdang magbigay ng mensahe sina Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, at NDRRMC USec. Ricardo Jalad at iba pang concerned government agencies.


Kahapon ay nagsagawa ang Office of Civil Defense (OCD) ng isang webinar patungkol naman sa mga Migrant Work, Urban Settlements at Informal Working Environment.

Habang ngayong araw ay nagsasagawa ang OCD ng online functional exercise para sa Cagayan RDRRMC at Provincial DRRMC ng Tuguegarao, bilang paghahanda sa lindol.

Patuloy naman ang panawagan ng NDRRMC sa lahat na maging handa anumang oras at makiisa sa mga programa at gawain na may layuning palakasin ang kahandaan ng bawat mamamayan at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang panganib.

Facebook Comments