Ikalawang opisyal ng roro na dinukot ng Abu Sayyaf, hawak na ng militar

42
Manila, Philippines – Hawak na ng militar ang ikalawang opisyal ng roro na dinukot ng Abu Sayyaf noong Huwebes.
 
Ayon kay Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Commander Major General Carlito Galvez Jr. – nasagip ng 4th special forces battalion sa si Chief Engineer Laurencio Tiro sa barangay Basakan sa Muhammad Adjul, Basilan dakong 10:30 kagabi.
 
Resulta ito ng maigitng na operasyon ng joint task force BASILAN sa ilalim ni Colonel Juvymax Uy na kinabibilangan ng 4th special forces battalion sa pamumuno ni lt. Col. Andrew Bacala.
 
Si Tiro, kasama si Captain Aurelio Agac-Ac, ay dinukot ng Abu Sayyaf group sa Sibago Island.
 
Nauna nang naisalba ng militar si Agac-Ac na nakabalik na sa kanyang tahanan sa Cebu City.

Facebook Comments