
Umarangkada na ang ikalawang pagdinig ng House Infrastructure Committee ukol sa maanumalya at palpak na flood control projects.
Sa simula ng hearing ay binanggit ni Committee Co-Chairman at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang nasa 77 mga kongresista na miyembro ng komite na nagsumite ng written full disclosure ng kanilang business o financial interest.
Ito ay para ipakita na wala silang “conflict of interest” sa ginagawang imbestigasyon sa isyu ng katiwalian sa flood control projects sa bansa.
Present ngayon sa hearing si Pasig City Mayor Vico Sotto na inimbitahan ng komite pero sabi niya wala naman siyang bitbit na pasabog kaugnay sa usapin pero handa siyang sagutin ang tanong ng mga miyembro ng komite.
Dumalo rin ang kanyang boss na si dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinatawan ng contempt ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon at nakapiit sa Senado.
Andito rin ang kanyang boss na si Bulacan First District Engineering Office head Henry Alcantara.
Samantala, inihayag naman ni Rep. Ridon na bukas ang House Infrastructure Committee para sa mga kongresista na nais maglahad ng kanilang panig matapos silang akusahan ng mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya na tumanggap ng komisyon mula sa pondong nakalaan sa flood control projects.
Hindi rin sumipot ang presidente ng Wawao Builders na si Mark Allan Arevalo dahil umano sa medical issue.









