Malabo pa sa ngayon na magpatawag ng ikalawang pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee patungkol sa war on drugs ng dating administrasyong Duterte.
Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, wala pa siyang balak na magpatawag sa ngayon maliban na lamang kung magpapatawag ng contempt powers ang Senate Blue Ribbon Committee.
Dahil walang contempt powers ang subcommittee, hindi ito makapag-iisyu ng arrest order sa mga tatangging humarap sa pagdinig.
Nais din ni Pimentel na matiyak na ang maiimbitahan sa muling pagdinig ay may personal knowledge sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Mababatid na ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee ang unang Congressional hearing ukol sa drug war na dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.