
Ipinagpaliban muna ang ikalawang pagdinig ni Leyte 1st district Representative at dating House Speaker Martin Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City.
Sa inilabas na abiso ng ICI, humiling si Romualdez na ipagpaliban muna ang hearing dahil sasailalim ang kongresista sa medical procedure.
Matatandaan noong Martes, October 14 ang unang pagsalang ni Romualdez sa ICI bilang resource person sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kung saan inilahad ni Romualdez ang naging role nito noong siya pa ang House Speaker at may mga binanggit siyang mga kasamahan niya sa paggawa ng national budget.
Una nang sinabi ng Kongresista na handa siyang bumalik sa Komisyon para makipagtulungan sa imbestigasyon sa likod ng flood control scandal.









