Alas-9:00 ngayong umaga nakatakda ang pagpapatuloy ng pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President o OVP na nagkakahalaga ng ₱2.037 billion.
Isang oras na hinintay ng komite si Vice President Sara Duterte pero hindi ito dumating, at wala ring ipinadalang kinatawan ang kanyang tanggapan.
Sa halip ay nagpadala ito ng liham kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at kay Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co.
Nakasaad sa liham na naisumite na ng OVP sa Kamara kasama ang detalyadong presentation ng panukalang pondo ng tanggapan nya sa susunod na taon.
Sinabi rin ni Duterte sa liham na lahat ng sagot nya sa iba’t ibang isyu ay nailahad na niya sa kanyang pagharap sa unang pagtalakay ng komite.
Muli, binigyang diin ni VP Duterte na ipinapaubaya na niya sa pagpapasya ng Komite ang desisyon para sa kanyang pondong inilaan sa kanyang tanghapan sa susunod na taon.