Ikalawang palapag ng Cuneta Astrodome, nasunog

Hindi pa matukoy ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung anong dahilan ng nangyaring sunog sa bahagi ng Cuneta Astrodome sa FB Harrison Street sa Pasay City.

Nagsimula ang sunog ng alas-8:18 ng umaga sa ikalawang palapag ng nasabing establisyemento kung saan inabot lamang ito ng unang alarma alarma.

Mag-aalas-11:00 naman ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog kung saan hindi pa matukoy kung magkanong ari-arian ang nadamay sa insidente.


Nagtulong-tulong naman ang mga tauhan ng barangay at ng lokal na pamahalaan para maisalba ang iba pang gamit na pwede pang mapakinabangan.

Nabatid na dahil sa nangyaring sunog, kinansela muna ang ikinakasang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga estudyante ng lungsod ng Pasay.

Wala naman nasaktan o nasugatan sa insidente na indibidwal sa nangyaring sunog.

Facebook Comments