Ikalawang serye ng pag-upgrade sa electrical system ng NAIA 3, tinapos na – MIAA

 

Tinapos na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ikalawang serye ng pag-upgrade ng electrical system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ito’y matapos payagan ng MIAA na kumpletuhin ang pagpapalit ng mga lumalalang bahagi ng medium-voltage switchgear sa walong iba’t ibang mga substation sa loob ng Terminal 3.

Katulad ng mga naunang paggawa, ang mga generator set ng MIAA ay nagbigay ng kuryente sa terminal kung saan priyoridad ang mga kritikal na pasilidad upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagproseso ng pasahero at hindi maantala ang flight operation.


Ang huling bahagi ng aktibidad ay nagsimula noong alas- 12:01 ng madaling at tinapos ng alas-3:00 ng madaling araw.

Ang mga pag-upgrade ng kuryente na ito ay mahalaga dahil sa mas maasahan ang mas maayos na electrical system ng buong terminal.

Facebook Comments