Ikalawang shipment ng Moderna vaccines, dumating na sa bansa

Dumating na sa NAIA 3 ang Singapore Airlines sakay ang 250,800 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.

Bahagyang naantala ang paglapag ng eroplano dahil sa lightning red alert advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA) kung saan pansamantalang sinuspinde ang ground at flight operations upang matiyak ang kaligtasan ng ground crew, pasahero at maging mismo ang flight operations.

194,400 sa naturang doses ay binili ng pamahalaan ng Pilipinas habang ang 56,400 ay binili ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI)


Ito na ang ikalawang shipment ng Moderna sa Pilipinas.

Facebook Comments