Ikalawang SONA ni PBBM, mapapanood rin sa microsite link sa website ng PCO

Maibibigay ang mas updated na mga kaganapan para sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inanunsyo kasi ng Presidential Communications Office (PCO) na maaari nang i-akses ang microsite sa link na ito na pco.gov.ph ang ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr., mamayang hapon.

Matatandaang inilarawan ni Pangulong Marcos Jr., na performance report ang kanyang ikalawang SONA mamaya.


Ayon sa pangulo simpleng SONA lamang ito at bahala na ang publiko na humusga kung may kabuluhan ba o salita lamang ang kanyang gagawing SONA.

Tutukuyin daw ng pangulo sa kanyang SONA ang mga nabanggit niya na sa kanyang unang SONA na natupad na at ang mga proyektong kailangan pang tapusin na kanyang ipinangako.

Facebook Comments