Ikalawang suicide bomber sa Sulu, posibleng Pinoy din – PNP

May posibilidad na Pilipino rin ang ikalawang suicide bomber na nasawi sa pagsabog sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu.

Ito ang pahayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde matapos ang pahayag ni Sulu Governor Sakur Tan na “most probably” ay Pinoy ang ikalawang suicide bomber.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, pwedeng foreigner ang ikalawang suicide bomber pero pwede rin itong Pilipino.


Hindi kasi ito makumpirma pa ng mga awtoridad dahil wala naman umanong mapagkumparahan ng kanyang DNA at wala ring nag-claim ng natirang bahagi ng katawan nito.

Pero, dahil sa pinakahuling pambobomba, sinabi ni Albayalde na mas paiigtingin pa nila ngayon ang kanilang intelligence drive katuwang ang militar nang sa gayon ay malabanan ang mga banta ng terorismo.

Sa pagsabog noong June 28, walo ang nasawi at mahigit 20 ang sugatan.

Facebook Comments