Ikalawang sunod na rollback sa presyo ng langis, inaasahan ngayong Holy Week

Asahan na ang panibagong tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong Mahal na Araw.

Batay sa taya ng kumpanyang UNIOIL, nasa P0.20 hanggang P0.30 ang magiging rollback sa kada litro ng diesel habang P0.90 hanggang P1.00 naman sa kada litro ng gasolina.

Ito na ang ikalawang sunod na oil price rollback matapos magbawas noong nakaraang linggo ang mga kumpanya ng langis ng P2.30 hanggang P2.50 psa kada litro ng gasolina, p1.85 hanggang P2 sa kada litro ng diesel at P1.65 sa kerosene.


Pero ikatlo pa lamang ito na pagpapatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong 2022.

Sa datos ng Department of Energy, nasa P16 kada litro ang itinaas ng gasolina, P26 sa diesel at P24.10 sa kerosene batay sa year-to-date adjustments.

Facebook Comments