Ikalawang testigo sa “GCTA selling,” ihaharap ng Senado sa Lunes

Ihaharap na lamang sa Lunes, September 9 ang ikalawang testigo ng Senado ukol sa kontrobersiya sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ito’y matapos hindi humarap sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kagabi.

Hindi muna papangalanan ni Committee Chairperson, Sen. Richard Gordon ang ikalawang saksi.


Pero tiniyak ni gordon na bibigyan ng seguridad bukod pa sa abogado si Yolanda Camelon na unang humarap na pagdinig.

Handa rin itong maharap sa kaso sa gitna na rin ng pag-aming nagbayad ito ng 10,000 pesos batay sa alok ng Corrections Officer  na kinilalang si Maribel Bansil, alyas ‘Mabel.’

Ipinauubayan naman ng Senador sa iba pang mga posibleng biktima ang desisyon kung haharap din sa Senado para tumestigo laban sa mga tiwaling tauhan ng BuCor.

Facebook Comments