Ikalawang ulat sa paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte, inilabas na ng ICHRP

Inilabas na ng Independent International Commission of Investigation into Human Rights Violations in the Philippines (ICHRP) ang ikalawang ulat hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ikalawang report ng Investigate PH, sinuri nito ang human rights violations sa Pilipinas na umano’y kagagawan ng state agents dahil sa security policies ng administrasyon.

Dahil dito, ipinaabot ni Peter Murphy, Chairperson ng Core Group ng Investigate PH ang panawagan sa administrasyon na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) at panagutin ang Pilipinas kapag sumuway sa kautusan ng tribunal.


Maliban sa Investigate PH, pinagtuunan din ng pansin ni dating Australian Senator Lee Rhiannon ang presentation niya sa tinawag nilang War On Poor People kung saan tila nagsagawa ito ng flashback sa pagsisimula ng Drug War Campaign ng Pangulong Duterte.

Unang inilabas ang unang bahagi ng report noong Marso kung saan inilatag ang lumalala pang sitwasyon ng patuloy na paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas.

Facebook Comments