Lumutang ang pangalawang whistle blower laban kay US President Donald Trump.
Nabatid nahaharap sa impeachment si Trump dahil sa pagtawag niya sa telepono sa Ukraine President at pinapaimbestiga si dating US Vice President Joe Biden.
Ayon sa abogado ng whistle blower na si Mark Zaid – may mabigat silang ebidensya na magdidiin kay Trump.
Hindi naman nilinaw nito kung ilan pa ang whistle blower na kanilang ihaharap para sa kaso ni Trump.
Facebook Comments